Thursday, December 9, 2010

Ang Makulay Na Mundo Ng Mga Ibon

Isang alaala mula sa aking kabataan, na sadyang hindi ko makalimutan. Noong ako ay edad limang taon, meron kaming kapitbahay na napakaraming lovebirds. Kayganda pagmasdan at talaga naman na makulay subalit minsan ako ay napagbintangan na nagpalipad ng isang ibon ayon sa kanilang kasambahay. Siguro, upang mapagtakpan ang kanyang kasalanan, sa akin ipinaako ang kanyang kamalian. Napalo ako ng husto ng aking ina ng dahil doon, sa dahilang pinipilit ako paaminin sa kasalanan na di ko naman talaga ginawa. Kasi ba naman sa totoo lang, isang munting bata pero talaga naman sadyang kaylikot. Andun ang umakyat ako ng puno, pumasok sa mga imburnal at magtago kung saan saan.



Ngunit sa aking munting kaisipan, ganun pa man ang nangyari, kabighabighani pa rin pagmasdan ang mga ibon pero may kamahalan na hindi ko kayang bilhin. Kaya hanggang tingin na lang ako . Napakamahal kasi noon ng mga lovebirds, hindi ko naman sinbukan magpabili sa magulang ko pero basta ang alam ko --- mahal!!!














No comments:

Post a Comment