Ngunit sa aking munting kaisipan, ganun pa man ang nangiyari, kaiga-igaya pa rin pagmasdan ang mga munting ibon pero noong mga panahon may kamahalan na hindi ko kayang mabili. Kaya hanggang tingin na lang ako
Ang aking pagkahalina sa mga ibon ay hindi natapos mula doon. Tatlong taon na ang nakalipas ng nag-umpisa ako mag-alaga nito. Tuwang tuwa ako sa nakikita kong mga videos sa youtube, kay Stargzer ng True Love Aviary. Mula sa isang paghanga, ay nag-umpisa ako gumawa ng sari saring laruan at masusi kong pinag-aralan ang mga kung ano ano ang dapat at naayon para sa aking mga alaga. Usbong ng pagmamahal, nagmula ang konsepto ng isang makulay na paraiso ng aking mga alaga.
Ang pagmamahal na iyon ay lumaganap na rin sa iba pang pamamahay na ikinalulugod ng inyong abang lingkod. Marami na rin ang sa akin ay nagpasalamat sa ligayang dinulot ng aking mga laruan sa mga munting ibon. At sa bawat pasasalamat na aking natatanggap ay isang higit na kaligayahan ang aking nararamdaman. Nagpupugay sa pagpapahalaga na inuukol sa mga munting nilalang na nagbibigay din sa atin ng kakaibang kasiyahan. At tlad ng isang ibon, mula sa munting huni, maraming salamat....
No comments:
Post a Comment